espesye


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Espesye
Sa larangan ng biolohiya, ang espesye (mula sa Kastilang especie; Ingles: species), na tinatawag ding uri kung minsan, ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat. Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga organismo na may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang ng supling na maaari ring magka-anak. Bagaman sapat na ang kahulugang ito para sa karamihan ng mga kaso, mayroong mas tumpak at naiibang pamamaraan na madalas ding gamitin, katulad ng paghahambing kung magkatulad ang mga pagsusuri ng DNA o morpolohiya. Maaari pa ring mahati ang mga uri sa mga subespesye ayon sa pagkakaroon ng mga tiyakan, mapantukoy, at namanang katutubong katangian.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.