espiyonahe


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Espiyonahe
Ang espiyonahe o pag-eespiya ay isang gawain ng pagkuha ng impormasyon hinggil sa isang samahanorganisasyon, o bansa nang palihim o kumpidensiyal, at walang pahintulot ng mga tagapaghawak o tagapag-ingat ng kinuhang impormasyon. Kinasasangkutan ito ng pagkanakakapunta sa kung saan ang kailangang kabatiran ay nakaimbak o sa mga taong nakakaalam ng impormasyon. Sa panahon ng digmaan, ang espiyonahe ay isang krimeng pangdigmaan. Ang tao na nagsasagawa nito ay tinatawag na tiktik, espiya, o may kalabuan bilang ahente. Ang isang ahente doble ay isang tao na nagkakalakal ng impormasyon sa dalawang mga partido, at hindi nalalaman ng nasabing dalawang mga partido na ang nasabing espiya ay nagtatrabaho para sa kanila na nasa ganitong katayuan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.