Sa agham pangkompyuter, ang
data structure (
estruktura ng datos ay isang lohikal na pagsasaayos ng datos sa isang
kompyuter upang magamit ito ng mas epektibo. Ito ay ang implementasyon ng
abstract data type (tipo ng abstraktong datos) sa isang
wikang pamprograma kung saan ang mga kaukulang operasyon ay maaaring gawin sa datos na nakapaloob dito. Ang iba't ibang klase ng estruktura ng datos ay may kanya-kanyang gamit. Sa katunayan, ang iba sa mga ito ay spesipiko lamang para sa isang gawain. Halimbawa, mas magandang gumamit ng mga punong binaryo kung madami ang datos na kailangan isaayos (katulad ng mga
database) at ang
array kung simpleng pagmamanipula lamang ng limitadong datos ang kailangan. Napaka-importante ng mga estruktura ng datos sa pag gawa ng mga
sopwer sa kompyuter. Ang ilan sa mga epektibong
algoritmo ay nangangailangan ng implementasyon ng mga estruktura ng datos upang tumakbo ng maayos. Kinakailangan din ito upang mapadali ang pag disenyo ng mga database kung saan importante ang pagkakasaayos ng datos.