etnomusikolohiya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Etnomusikolohiya
Ang etnomusikolohiya ay isang sangay ng musikolohiya na binigyang kahulugan bilang ang pag-aaral ng mga aspetong panlipunan at pangkultura ng musika at sayaw sa loob ng lokal at pangglobong mga konteksto o diwa. Inimbento ni Jaap Kunst ang kataga mula sa mga salitang Griyegong ἔθνος ethnos (nasyon) at μουσική mousike (musika), at kadalasang itinuturing na antropolohiya o etnograpiya ng musika. Tinawag ito ni Jeff Todd Titon bilang pag-aaral ng "mga taong gumagawa ng musika." Bagaman iniisip ito bilang isang pag-aaral ng tugtuging hindi nagmula sa Kanluraning Mundo, ang etnomusikolohiya ay nagsasama rin ng pag-aaral ng Kanluraning musika ayon sa perspektibo o pagtanaw na antropolohikal o sosyolohikal (panlipunan). Naniniwala si Bruno Nettl (1983) na isa itong produkto ng Kanluraning kaisipan, at nagpahayag siya na ang "etnomusikolohiya ayon sa pagkakaalam ng kanluraning kultura ay talagang isang kababalaghang kanluranin." Naniniwala si Nettle na may mga hangganan sa pagpiga ng kahulugan mula sa musika ng isang kultura dahil sa distansiyang perseptuwal ng tagapagmasid na taga-Kanlurang Mundo mula sa kultura; subalit, ang lumalaking paglaganap ng mga dalubhasang nag-aaral ng kani-kanilang sari-sariling mga tradisyong pangmusika, at ang tumataas na saklaw ng iba't ibang mga pangteoriyang kayariang-panggawa at mga metodolohiyang pampananaliksik ay nakagawa ng marami upang harapin ang mga kritisismong katulad ng kay Nettl.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.