etnosentrismo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Etnosentrismo
Ang etnosentrismo ay ang pagkakaroon ng paniniwalang pinakamahalaga at higit na nakatataas o nakaaangat ang isang lipi o lahi kaysa iba pa. Sa ganitong paniniwala, nangingibabaw at namamalagi ang damdamin ng pagpapahalaga sa sariling lahi, maaaring sa ilan o sa lahat ng aspeto ng nasabing lipi. Sa loob ng ideolohiyang ito, maaaring husgahan ng mga indibidwal ang ibang mga pangkat kaugnay ng kanilang sariling grupong etniko o kalinangan, partikular na ang sa wika, ugali, gawi, at relihiyon. Nagsisilbing panglarawan o pambigay kahulugan ang ganitong kaibahang etniko at mga kabahaging kahatian sa namumukod-tanging pagkakakilanlan ng kalinangan ng bawat etnisidad.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.