Ang
ekskresyon (Ingles:
excretion) ay isang proseso ng pagtatanggal o pag-aalis (eliminasyon) ng dumi ng katawan o ng mga produktong dumi ng
metabolismo at iba pang hindi-gamitin o hindi maiinam na mga materyal. Kabilang sa mga duming napapalis ang
tae, ihi,
pawis, at suka. Isa itong mahalaga o esensiyal na proseso sa lahat ng mga anyo ng buhay. Kaiba ito sa sekresyon, kung saan ang sustansiya ay may espesipiko o tiyak na tungkulin pagkaraang makalabas o makaalis mula sa
sihay o
selula.