fares


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Fares
Tingnan ang Pérez para sa Kastilang apelyido, at ang Peretz para sa pangalang Hudyo.
Si Fares ay isang ninuno ni David. Nangangahulugan ang pangalan ito ng "pumupuslit". Ayon sa Aklat ng Henesis (Henesis 38:29), si Fares ang anak na lalaki ni Tamar at ni Juda. Kakambal siya ni Zaraj o Zerah.. Dahil kay Fares, napasama si Tamar sa kalahian ni Hesus. Binabaybay dina ng kanyang pangalan bilang Pharez, Pיrez; sa Hebreo: פֶּרֶץ / פָּרֶץ, may ibig sabihing "bumiyak", modernong transliterasyon: Péreẓ o Páreẓ, Tiberianong transliterasyon: Péreṣ o Pāreṣ. Batay sa teksto, tinawag siyang Perez (o Peres) dahil siya ang unang ipinanganak sa mga kambal, kaya't nabiyak ang sinapupunan . Ayon sa mga dalubhasa ng Bibliya, isang eponimong etiyolohikong mito ang salaysay ng pagsilang na ito, na hinggil sa etnolohikal na orihen o pinagmulan ng mga bahagi ng tribo ni Juda.. Itinala sa Aklat ni Rut si Perez bilang bahagi ng pangninunong henealohiya ni Haring David , at lumaon o nagresultang binanggit ito sa Aklat ni Mateo noong itinukoy ang henealohiya ni Hesus. Binabanggit naman sa kuwento ng ukol sa "ang sulat sa dingding" (nasa Aklat ni Daniel) ang isang salitang Arameo o Aramaiko na minsang isinusulat bilang Phares.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.
English 2 SwahiliDownload this dictionary
fare
n. [bus fare] nauli; bei;[school f.] ada; karo; [payment] malipo; mali

English-Frenkisch DictionaryDownload this dictionary
fare
n. = kost