Ang
fauna ay ang lahat ng mga nabubuhay na
hayop sa anumang partikular na rehiyon o kapanahunan. Ang katugmang kataga nito para sa mga
halaman ay ang
sanghalamanan. Ginagamit ng mga
soologo at mga
paleontologo ang katawagang ito upang tukuyin ang isang tipikal na kalipunan ng mga hayop na natatagpuan sa isang espesipikong panahon o lugar, halimbawa na ang "sanghayupan sa Disyertong Sonorano o ang "sanghayupan ng namuong putik na Burgesa". Maaari rin itong tumukoy sa isang ibinigay na kabahaging pangkat ng sanghayupan ng isang ibinigay na rehiyon, katulad ng "... ang lunas ng Amasona ay mayroong isang mayamang sanghayupan..."