Ang
kapatid, mula sa salitang-ugat na
patid, ay ang ugnayan sa pagitan ng mga anak ng ama at ina (mga
magulang) sa loob ng isang mag-anak o pamilya. Katumbas ito ng
atid,
utol,
katoto,
manang o
kapatid na babae, at
manong o
kapatid na lalaki. Kapag lalaki ang kapatid, tinatawag din itong
kaka,
manoy,
kuya (una o panganay na kapatid na lalaki),
diko (pangalawang kapatid na lalaki),
sangko (pangatlong kapatid na lalaki) Sa mas malawak na sakop ng kahulugan, tumataguri rin ito sa isang
malapit na kaibigan (lalaki man o babae),
kaanak,
kalipi,
kadugo,
kasama sa kapatiran (kasama sa praternidad [kapatirang panlalaki] o sororidad [kapatirang pambabae]). Sa ilang mga pahina ng Bibliya, may pagkakataong ginagamit ang katagang
kapatid bilang may ibig sabihing "
pinsan", ngunit maaari ring maging kasingkahulugan ng "
kamag-anakan" at "kababayan", partikular na sa paggamit sa
wikang Hebreo at
wikang Arameo. Gayundin, ang pariralang "mga kapatid ni Hesus" sa Bibliya ay tumutukoy sa mga pinsan at malalapit na mga kamag-anak ni Hesukristo; ang lahat ng mga kamag-anak o kaya pati na mga kaibigian, sa ganitong diwa, ay "mga kapatid" ngunit hindi "mga kapatid sa dugo". Tinatagurian namang
ate ang panganay na kapatid na babae,
ditse ang pangalawang kapatid na babae,
sanse (hindi siyanse na gamit sa pagluluto) ang pangatlong kapatid na babae.