Ang
kikil (Ingles:
file o
hand-file) ay isang uri ng kagamitang pangkamay na ginagamit na panghubog sa isang bagay sa pamamagitan ng paghiwa. Karaniwan itong isang bareta o halang ng
bakal na napapaligiran ng magkakasunod na mga talim at magkakapantay at tuwid na mga usli o "ngipin". Kalimitan itong mayroon isang bahagi na nalalagyan ng hawakan na matatanganan ng
kamay. May isang uri ng
pangkikil,
pangkinis,
pangkiskis na may mas malalaki, nakaangat, at hindi magkakapantay na mga
ngipin o tulis, at tinatawag na
pangalot o
rasp sa Ingles. Mas magaspang ang nagiging resulta kapag ginagamit ang pangalot.