Ang
iti o
pag-iiti, kilala rin bilang
pagtatae ng dugo,
disinterya o
disinteria,
bulaod, at
pagbubulos (Ingles:
dysentery, dating kilala bilang
flux at
bloody flux) , ay isang
karamdamang kinasasangkutan ng matinding pagtatae. Sanhi ito ng isang
bakteryum na nagdurulot ng labis na pamamaga ng mga
bituka. Pangunahing tanda o sintomas nito ang pagkakaroon ng
dugo sa
tae, at karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng mga
antibiyotiko. Isang disorden o kawalang kaayusan ng
sistema ng dihestiyon na nagreresulta nga sa sobrang diyareya na naglalaman ng
mukus at dugo sa tae. Kapag hindi nilunasan, maaari at karaniwan itong nagiging nakamamatay. Pangkaraniwan ito noong maagang mga araw ng mga
kolonya ng
Bagong Mundo.