Ang forecasting ay ang pag-eestima ng kalagayan ng isang bagay sa hinaharap. Ito ay malawakang ginagamit mula sa simpleng pang araw-araw na gawain katulad ng pag estima sa trapiko, hanggang sa mas komplikadong aplikasyon sa mga operasyon ng mga kumpanya. Hindi man kapansin-pansin ang ordinaryong paggamit ng forecasting, hindi maikukubli ang malaking parte nito sa paggawa ng simple o mabigat na desisyon na nakakaapekto sa ating pagkilos.