Ang
dayuhan o
dayo ay isang tao, maaari ring hayop, halaman, ibang organismo, o bagay, na hindi katutubo o likas sa isang pook. Sa tao, maaari itong tumukoy sa isang
banyaga, na nagmula sa ibang bayan o bansa. Maaari rin itong tumukoy sa mga
imigrante; o kaya sa mga nagbuhay sa ibang
planeta o
mundo (
dimensiyon) katulad ng mga nasa kathang-isip ng mga salaysaying makaagham. Ginagamit rin pangtukoy sa mga dayuhan ang pariralang
taga-ibang lupa o
taga-ibang lupain. Maaari ring mga kilalang panauhin ang mga ito, o mga hindi-kilalang tao na tumungo o dumayo sa isang lugar, tulad ng para
makipista.