fossil na transisyonal


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Fossil na transisyonal
Ang isang transisyonal na fossil o transitional fossil ay anumang naging fossil na mga labi ng isang anyo ng buhay na nagpapakita ng mga katangian na karaniwan sa parehong pangkat ng ninuno nito at mga pangkat ng inapo nito. Ito ay lalong mahalaga kapag ang pangkat ng inapo(descendant) ay maliwanag na maitatangi ng grosang anatomiya at paraan ng pamumuhay mula sa pangkat ng ninuno nito. Ang mga fossil na ito ay nagsisilbing mga paalala na ang mga dibisyon ng taksnomiya ay mga nilikha ng tao na itinakda pagkatapos ng pangyayari sa isang continuum ng mga pagkakaiba iba. Dahil sa pagiging hindi kumpleto ng fossil record, karaniwang walang paraan na eksaktong malaman kung paanong kalapit na nauugnay ang isang transisyonal na fossil sa punto ng paghihiwalay. Dahil dito, ang mga transisyonal na fossil ay hindi maipapalagay na mga direktangninuno ng mas karaniwang mga pangkat bagaman ang mga ito ay kadalasang ginagamit na modelo para sa mga gayong ninuno.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.