- Para sa ibang gamit, tingna ang gana (paglilinaw) at ganansya (paglilinaw).
Sa
elektroniks, ang
gana o
ganansya (Ingles:
gain, Kastila:
ganancia, literal na "ang nakuha" o "ang nadagdag") ay isang sukat ng kakayanan ng sirkito o elektrikal na network (kadalasang isang amplipayer o pang-ibayo o pampalakas) upang tumaas ang lakas o amplitud ng isang signal o senyal mula sa ipinasok (
input) o lumabas. Karaniwan itong pinakakahuluganan bilang panggitnang rasyo ng lumabas na senyal ng isang sistema sa pumasok na sensal ng kaparehong sistema. Maaari rin itong pakahuluganan sa timbangan o sukatang logaritmiko, ayon sa logaritmong desimal ng kaparehong rasyo ("ganang dB" o "ganansyang desibel"). Sa payak na kahulugan, ang gana o ganansya ang dagdag na lakas sa signal.