Ang
galaksiya (Ingles:
galaxy) ay isang pangkat ng mga
bituin na kabilang ang
gas,
alikabok, at maitim na materya. Ang
grabidad ang humahawak sa buong galaksiya ng sama-sama. Umiikot sa isang gitna ang lahat ng nasa galaxia. Nagmula ang salitang galaxy sa
Griyegong salita na
Galaxia na nangangahulugang
magatas, isang pantukoy sa sarili nating galaksiya, ang
Daang Magatas.