Ang
sanggano (Ingles:
gangster [kasapi sa
gang],
mobster [kasapi sa mga mapanggulo]) ay isang
kriminal na kasapi sa isang
organisasyon na pangkrimen, katulad ng isang
gang (masamang
barkada). Ang salitang ito ay katumbas ng mga salitang
butangero,
masamang-loob, at
mambubutang. Sa kasaysayan ng
Estados Unidos, ang mga salitang
gangster at
mobster ay mga katagang malawakng ginamit upang tukuyin ang mga miyembro ng mga gang na may kaugnayan sa panahon ng Prohibisyong Amerikano at sa bersiyon ng
Mafia sa Estados Unidos, katulad ng mga sindikatong tinatawag bilang Chicago Outfit o kaya ang Five Families. Ang
mobster ay isang salitang hinango magmula sa
Latin at
Aramaiko. Ang isang
gang ay isang pangkat na binubuo ng tatlo o mas marami pang mga tao na, sa pamamagitan ng samahan, organisasyon, pagbubuo, at paglulunsad ng kapulungan, ay nagsasalo ng isang karaniwang katauhan o pagkakakilanlan at mga katangian. Sa mas maagang paggamit ng salitang
gang, ang salitang ito ay tumutukoy dati sa isang pangkat ng mga taong manggagawa. Madalas pa ring ginagamit sa
Nagkakaisang Kaharian ang salitang "gang" sa ganitong diwa.