Ang
utot (
Ingles:
flatulence,
flatus,
fart) ay ang hanging lumalabas o sumisingaw mula sa butas ng
puwit ng
tao o
hayop. Nagkakaroon ng
kabag (
tympanites sa Ingles, mula sa
Griyegong τύμπανο o "
tambol") ), ang pamimintog o paglobo ng tiyan dahil sa pagtataglay at pagkakaipon ng hangin sa loob ng tiyan. Samantala, tinatawag namang
meteorismo kapag namintog o lumobo ang
bituka dahil sa pagkakaipon ng hangin sa loob nito. Nakakaapekto ang meteorismo sa normal na paghinga ng tao. Kapwa nagaganap ang kabag at meteorismo sa loob ng landasing gastrointestinal.