gatas na kondensada


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Gatas na kondensada
Ang gatas na kondensada ay ang gatas na mula sa baka na pinasingaw o pinadaan sa proseso ng ebaporasyon ang kabahagi nitong tubig, at nilinis din o pinadaan sa proseso ng isterilisasyon sa pamamagitan ng init. Karamihan sa ganitong mga kondensada ang nilagyan ng maraming bilang ng asukal at karaniwang matatagpuang nakalata na mula sa mga pamilihan. Pinakamainam sa mga malalapot at pinatamis na gatas na ito ang nagmumula sa gatas na "buo" o buhat sa gatas na hinaluan ng krema. Gawa mula sa sinalapsapan o hinapawang gatas (tinanggalan ng mga lulutang-lutang) iyong mga mababang uri ng kondensadang gatas, kaya't mas minamarapat na gamitin lamang sa pagluluto.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.