Ang isang
gato (Ingles:
vise o
vice) ay isang aparatong mekanikal na ginagamit na panghawak o pang-ipit (pangklampa) ng isang ginagawang piraso upang mapahintulutang maisakatuparan ang isang gawain sa bagay na iyon habang ginagamitan ng mga
lagari,
katam, panggiling, pang-isis o papel de liha,
distilyador, at iba pa. Karaniwang mayroong mga nakapirming mga "panga" ang mga gato, at isang pang kahanay na pangang gumagalaw patungo o palayo sa nakapirming panga sa pamamagitan ng isang
turnilyo.