Ang
gawgaw o
almirol (Ingles:
starch o
amylum, CAS 9005-25-8,
pormulang kimikal (C
6H
10O
5)
n) ay isang polisakarido glusido (
polysaccharide carbohydrate) na binubuo ng malaking bahagi ng mga yunit ng glukos na pinagsama sa pamamagitan ng glukosidikong bigkis. Nililikha ng lahat ng mga
luntiang mga
halaman ang gawgaw bilang isang
enerhiya na iinimbak at bilang pangunahing pinagkukunan ng
pagkain para sa mga tao.