gender identity


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Katauhang pangkasarian
Ang pagkakakilanlang kasarian o katauhang pangkasarian (Ingles: gender identity) ay isang paraan ng isang indibidwal sa pagkilala sa kanyang sarili sa isang kategoryang pangkasarian. Halimbawa ay ang pagiging lalaki o babae at sa ibang mga kaso ay wala sa dalawang kategorya. Ang pangunahing pangkasariang pagkakakilanlang ay karaniwang natutuklasan at nabubuo sa edad na tatlong taong gulang at napakahirap mabago matapos ang edad na ito. Bawat lipunan ay may natakda ng kategoryan pangkasarian na nagsisilbing basehan ng pagkakabuo nga panlipunang pagkakakilanlan kaugnay sa ibang miyembro ng lipunan. Kadalasan, ang pangkalahatang pagkakahati sa kasarian ng lalaki at babae ay napagaalaman at napagpapasiyahan sa haynayang kasarian ng tao. Ngunit sa lahat ng lipunan may mailan-ilang tao ang hindi itinuturing ang kanilang sarili na bahagi ng isang kategoryang pangkasarian na nasusunod sa kanilang haynayang kasarian. May mga ibang kultura na nagpapahintulot ng hormonal o operasyon na nakakabago ng pag-aari ng isang tao upang maiangkop ang kanilang haynayang katangian sa kanilang pangkasariang pagkakakilanlan. Sa ibang lipunan ang pagiging kabilang sa kahit anong kategoryang pangkasarian ay tanggap ng mga tao pabaya sa haynayang kasarian. Isang bukas na tanong para sa lahat kung baket ang kategoryang pangkasarian ng ibang tao ay sumusunod o hindi sa pangkalahatang uliran at ang iba ay hindi makilala ang sarili sa alinmang kategoryang pangkakasarian. Maging ang pagkakaibang ito sa likas o pag-aaruga ay nanatiling isang pinag-uusapang paksa sa panlipunan at panghaynayang siyensya. Karagdagang tanong ay kung gaano nakakaapekto ang henetiko laban sa panlipunang kadahilanan sa pagtuklas at pagbuo ng kasariang pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.