genderqueer


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Genderqueer
Genderqueer (GQ), Genderqueer (GQ), gender fluid at intergender ay pumapatungkol sa anumang gender identities bukod sa pagiging babae o lalaki. Ang mga taong iniisip ang kanilang sarili bilang genderqueer ay maaaring kinikilala ang kanilang sarili bilang parehong babae at lalaki o di kaya naman ay hindi babae o lalaki, samakatuwid, ang kanilang kasarian ay labas sa tinatawag na gender binary. Maaaring nilang ipakita ang kanilang ugali na parehong pambabae at panlalaki o di kaya naman ay wala sa nabanggit. Marami sa mga genderqueer ang naniniwalang hiwalay na aspeto ng pagiging tao ang sekswalidad at kasarian nito, na kadalasang nagiging dahilan upang magkaroo ng pag-usbong ng mga lalaking babae, babaeng lalaki, o lalaki/babae/intergender. Ang mga gender fluid naman ay kalimitang naniniwala na hindi nababagay sa kanila ang pagiging babae o lalaki, pisikal man o mental. Ang katauhang pangkasarian ay pumapatungkol sa panloob na pagkilala sa sarii bilang isang babae, isang lalaki, pareho ng mga nabanggit o wala sa mga ito, samantalang ang katauhang pangsekswalidad ay pumapatungkol sa kakayahang ng isang indibidwal na makapukaw ng sekwswal na atraksyon ng ibang indibidwal mapa-pisikal, romantikal at/o emosyonal man ito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.