Ang
gene o
kagyos ay isang molekular na yunit ng
pagmamana ng katangian sa isang
organismo. Ito ay isang pangalan na ibinigay sa ilang mga haba ng kodigong
DNA at
RNA para sa isang uri ng
protina o para sa isang kadena ng RNA na may papel na ginagagampanan sa isang organismo. Ang mga buhay na organismo ay nakadepende sa gene dahil ito ay tumutukoy sa mga
protina at gumaganang kadena ng RNA. Ang mga gene ay humahawak ng impormasyon para lumikha at magingat ng mga
selula ng isang organismo at ipasa ang mga katangiang henetiko sa mga anak nito.