Ang
Hylobatidae /ˌhaɪlɵˈbeɪtɪdiː/ ay isang pamilya ng mga
bakulaw. Sa Ingles, tinatawag ang mga kasapi nito na
gibbons. Sa kasaysayan, ang pamilyang ito ay naglaman ng isang henus ngunit nahahati na ngayon sa apat na henera. Ang mga gibbon ay nakatira sa mga tropikal at subtropikal na ulang kagubatan mula sa hilagang-silangang India hanggang Indonesia at mula hilaga hanggang katimugang Tsina gayundin sa mga kapuluan ng
Sumatra,
Borneo, at Java. Ang mga gibbon ay tinatawag ring
mga mas maliit na bakulaw dahil sa pagiging mas maliit nito mula sa mga
dakilang bakulaw(mga chimpanzee, mga orangutan, mga gorilla, mga
bonobo at mga
tao). Ito ay nagpapakita ng mababang dimorpismong seksuwal at hindi gumagawa ng mga pugad. Ang mga gibbon ay nagpapakita rin ng pagbibigkis ng magkapares hindi tulad ng karamihan ng mga
dakilang bakulaw. Ang mga ito ay mga bihasa rin sa kanilang pangunahing paraan ng lokomosyon na brachiation, na nagduduyan sa mga sanga sa mga distansiyang hanggang at sa bilis hanggang sa . Sila ay nakakatalon rin hanggang sa at naglalakad gamit ang kanilang dalawang hita(bipedal) na may mga braso ay nakataas para sa balanse. Sila ang pinakamabilis at pinakamaliksi sa lahat ng mga nakatira sa punong hindi lumilipad na mga
mammal. Ang mga species ng gibbon ay kinabibilangan ng siamang, lar gibbon, at hoolock gibbon.