Ang
ginto (,
Ingles:
gold) ay isang elementong kimikal sa talaang peryodiko na may sagisag na
Au (mula sa Latin na
aurum) at may atomikong bilang na 79. Kabilang sa mga angking katangian nito ang pagiging malambot at kulay dilaw na metal, at hindi kinakalawang. Ito ang pinakamadaling ihubog at pukpuking metal. Mayroon itong atomikong timbang na 196.967, punto ng pagkatunaw na 1,063 °C, punto ng pagkulong 2,966 °C, espesipikong grabidad na 19.32,
balensyang 1 at 3. Tinatawag din itong
oro na mula sa Kastila,
dorado, at
gold naman sa Ingles. Dahil sa mga katangian nito, ginagamit ang ginto sa paggawa ng mga alahas, mga palamuti, at bilang saluyan o konduktor ng kuryente.