Ang
gisantes o
gisante (Ingles:
sweet pea, Kastila:
guisantes) ay isang uri ng matamis na
tsitsaro. Isa itong tila baging na halamang maraming mga uri na itinatanim at inaalagaan sa mga halamanan ng mundo. Lumalaki sila magpahanggang 6 na talampakan ang taas. Mayroon silang hugis
obal o
habilog na mga dahon, mga bulaklak na sari-sari ang mga kulay, at mahahabang mga likbit o sisidlang balat ng bunga o buto ng gulay (mga
pod sa Ingles). Nagagamit ang langis nito para sa paggawa ng mga
pabango.