Ang
gonad ay ang organong gumagawa ng mga
gameto. Ang mga gonad sa
kalalakihan ay ang mga
itlog ng bayag at ang mga gonad sa
kababaihan ay ang mga
bahay-itlog. Ang produktong gameto ay mga selulang
lithayop o binhi (
germ cell) na haploid. Halimbawa, ang
ispermatosoon at
obum (itlog) ay mga gameto. Bagamang sa agham, ang katawagang "gonad" ay maaaring tumukoy sa panlalaking gonad (
testis) o kaya sa pambabaeng gonad (mga
obaryo), ang gonad sa bernakular o salitang-kanto ay tumutukoy lamang sa itlog ng bayag o testis.