- Tungkol ito sa isang isda, para sa katangian ng tao, tingnan ang gunggong.
Ang
gonggong (
Ingles:
grunt sculpin o
grunt-fish; pangalang pang-agham:
Rhamphocottus richardsonii) ay ang nag-iisang kasapi sa pamilya ng mga
isdang Rhamphocottidae. Katutubo ito sa temperadong (di-kaiinitan at di-kalamigan) pandalampasigan katubigan ng Hilagang Pasipiko, mula
Hapon hanggang
Alaska at sa katimugan hanggang
California kung saan namumuhay ito sa mga maagos na mga labak, mabatong mga lugar, at mabuhanging ilalim sa lalim na umaabot sa 165 metro. Gumagamit ito ng mga matutulis na mga palikpik na pektoral (nasa dibdib) upang gumapang sa kalatagan ng dagat. Lumalaki ito hanggang sa 9 cm ang haba. Palagiang nangungubli ito sa mga itinapong mga bote at lata, maging sa mga walang-lamang kabibe, katulad ng sa mga dating pag-aari ng
Balanus nubilis. Sa panahong ng
reproduksyon, hinahabal ng babaeng gonggong ang lalaki patungo sa butas ng isang bato at pananatilihin ng babae ang lalaki sa loob nito hanggang sa makapangitlog siya.