Sa
matematika, ang
pangkat o
grupo(Ingles:
group) ay isang alhebraikong istraktura na binubuo ng isang
hanay na may operasyong nagsasama sa anuman sa dalawang mga elemento nito upang bumuo ng ikatlong elemento. Ginawa at pinaunalad noong hulihan ng ika-19 daantaon, ang
teoriya ng pangkat ay isa na ngayong bahaging nasa lahat ng dako ng matematika, at maaaring gamitin bilang isang pundasyon kung saan mahahango ang halos lahat ng matematika.