gulang


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Gulang
Ang gulang ay ang bilang ng mga taon mula pa nang ipanganak ang isang tao noong araw ng kanyang kaarawan. Katumbas ito ng mga salitang edad, idad, anyos, tanda, katandaan, kagulangan, at kahinugan. Kaugnay din ito ng mga salitang katagalan, panahon, at kapanahunan. Nilarawan ni Leo James English ang isang gumugulang na tao bilang "isang taong nadaragdagan ng karanasan" sa paglipas ng panahon. Ito ang salitang ugat ng magulang na nangangahulugang ang ama o ina ng isang tao, bagaman maaari ring tumukoy ang magulang, sa kalapit na diwa, bilang isang taong matanda na, nasa hustong edad na, at katumbas ng may-gulang, may-edad, may sapat na gulang, nasa gulang, matanda, mayor-de-edad, o nasa karampatang gulang, nasa hustong gulang, nasa edad, o malaki na. Samantala, tinatawag namang kulang sa gulang, kulang sa edad, o menor-de-edad ang isang taong wala pa sa husto o tamang kaidaran.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.