Sa
pisika, ang
alonghaba (Ingles:
wavelength) ng
along sinusoidal ang periodong spasyal ng
alon o ang distansiya kung saan ang
hugis ng alon ay umuulit. Ito ay karaniwang tumutukoy sa distansiya sa pagitan ng magkasunod na magkatugon na mga puntong na may parehong yugto gaya ng crest, trough, o pagtawid na sero. Ito ay katangian din ng parehong naglalakbay na mga alon at nakatatigil na alon gayundin ang mga paternong espasyal na alon. Ang alonghaba ay karaniwang tinutukoy ng letrang
Griyego na lambda(λ). Ang konsepto ay maaari ring ilapat sa mga periodikong alon na hindi sinusoidal ang hugis. Ang terminong alonghaba ay minsan ding nilalapat sa moduladong mga alon at sa mga sinusoidal na sobre ng mga moduladong alon o mga along nabubuo ng interperensiya ng ilang mga sinusoid. Ang unit na SI ng alonghaba ang
metro.