Ang
belosidad o
hagibis (Ingles:
velocity) ay ang sukat ng kung gaano
katulin o
kabilis at kung gaano kalayo gumalaw ang isang bagay sa loob ng isang partikular na direksyon. Sa
pisika at
matematika, nangangahulugan ang belosidad na ang panahon o oras na nagamit ng isang bagay upang makagalaw mula sa isang lugar papunta sa ibang pook o pagkalinsad (pagkawala sa lugar o pagkaalis sa ayos, kilala sa Ingles bilang
displacement), at ang direksyon ng paggalaw - kilala ito bilang bilang ng tugan o kantidad ng
bektor (
vector quantity sa Ingles). Maaaring makapaglakabay ang isang bagay sa 7 mga
metro bawat segundo sa loob ng direksyon ng 30 mga degri sa timog ng silangan. Ito ang belosidad.