Ang
eleksiyon o
halalan (election) ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang
populasyon ay pumipili ng mga indibidwal na hahawak ng isang publikong opisina. Ang mga halalan ang karaniwang mekanismo kung saan ang modernong kinatawan ng
demokrasya ay isinasagawa simula ika-17 siglo. Ang mga halalan ay maaaring humalal ng
sangay na ehekutibo, mga miyembro ng
lehislatura, at minsan ay ng
hudikatura gayundin ng mga miyembro ng pangrehiyon at lokal na
gobyerno. Ang prosesong ito ay isinasagawa rin sa maraming mga pribado at pang-negosyong mga organisasyon.