Ang
damong-gamot,
halamang damo, o
yerba (Ingles:
herb, Kastila:
yerba o
hierba) ay isang uri ng
halamang madaling mabuwal, katulad ng
saging. Karaniwang nagagamit ang mga dahon, o iba pang bahagi, ng halamang ito para sa panggagamot at panimpala o pampalasa sa pagluluto ng mga pagkain. Tinatawag din itong
damong-ipinanggagamot. Mas malambot ang mga pinakapunong katawan ng mga halamang ito, maging mga sanga at tangkay, kung ihahambing sa mga punongkahoy at mga palumpong. Tumatagal ang buhay ng mga ito sa loob ng isang taniman lamang.