Ang
hamburger o
hamburgesa ay ang kinapal o makapal, ngunit maaari ring manipis, na giniling ng karneng niluto at
ipinalaman sa loob ng dalawang hati ng tinapay. Ito rin ang tawag sa mismong kabuoan ng tinapay na may palamang
burger, pinaikling hamburger, na maaaring may payat na keso at iba pang sahog.