Ang
Hanja ay ang isang salitang
Koreano para sa kanilang
Panulat na Tsino. Ito ay tumutukoy sa mga titik Tsino na hiniram mula sa
Wikang Tsino at isinama sa
Wikang Koreano kasama ang mga ponetiko nito. Ang
Hanja-mal o ang
hanja-eo ay tumutukoy sa mga salitang maaaring isulat kasama ang hanja, at ang
hanmun (, ) ay tumutukoy sa panulat ng mga Sinaunang Tsino, subalit ang "hanja" ay mas kadalasang ginagamit upang tukuyin ang lahat ng konsepto nito. Dahil hindi gaano nagbago ang hanja, ang mga ito ay halos kahalintulad ng sa panulat na
tradisyunal na Tsino at sa mga karakter na
kyujitai. Iilan lamang sa mga titik hanja ang binago o bukod tangi.