Ang
harapang lobo(Ingles:
frontal lobe) ang area sa
utak ng mga tao at iba pang mga
mamalya na matatagpuan sa harapan ng bawat hemisperong serebral at nakaposisyon na
anterior(harap) sa
lobong parietal at superior at anterior sa mga
lobong temporal. Ito ay hinihiwalay mula lobong parietal ng espasyo sa pagitan ng mga tisyung tinatawag na sentral na sulcus at mula sa temporal na loob ng isang malalim na tiklop na tinatawag na lateral(Sylvian) sulcus. Ang presentral gyrus na bumubuo ng hangganang posterior ng harapang lobo ay naglalaman ng pangunahing motor na korteks na kumokontrol sa boluntaryong mga paggalaw ng mga spesipikong bahagi ng katawan.