Ang
bihud (Ingles:
roe,
fish eggs,
hard roe) ay ang ganap nang hinog na masa ng mga itlog ng mga isda at ng ilang mga hayop-dagat tulad ng mga
salungo ,
hipon, at tipay. Ito rin ang tawag sa
obaryo ng isda, alimango, sugpo, o
ulang na puno ng itlog. Bilang pagkaing-dagat, ginagamit itong luto na sa mararaming ulam bilang kasangkapan. Ginagamit din itong hilaw.
Kabyar (Ingles:
caviar) ang termino para sa bihud na tinimplahan, inasna, o pinasarap na mga itlog ng isda, na kinakain bilang delikasiya. Ang
malambot na bihud (
soft roe), na tinatawag ding
puting bihud (
white roe), ang
pluwidong seminal ng isdang lalaki.