hardwer


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mga kagamitang metal
Ang hardwer o mga kagamitang metal ay tumutukoy sa anumang gamit o kasangkapan na yari sa metal o bakal. Pangkalahatang katawagan ito sa anumang artipakto ng teknolohiya, at maaari ring mangahulugang komponente ng sistema ng kompyuter, bilang mga kompyuter hardwer. Sa diwang pangkasaysayan, ito ang mga metal na bahagi at pandugtong na ginagamit sa pagpapainam, pagpapatibay, pagpapatagal ng buhay, at nagpapabilis sa paglikha ng mga produktong na dating yari lamang sa purong kahoy. Sa makabagong kahulugan, kabilang na sa mga hardwer ang mga kagamitang tulad ng susi, kandado, seradura, alambre, tanikala, tubo, mga kasangkapan sa pagluluto at kusina, mga kasangkapang tulad ng martilyodistilyador o turnilyo, mga kubyertos, at mga parte ng makina, lalo na kapag yari na nga sa mga bakal o metal. Tumutukoy din ito sa lahat ng mga bagay na itinitinda sa tindahan na hardwer din kung tawagin. Sa mas malawak na gamit ng termino, tumutukoy din ang hardwer sa mga pangunahing kasangkapan ng militar katulad ng tangke, salipapaw, o barko.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.