Ang
kapusukan (mula sa salitang-ugat na
pusok), na tinatawag ding
pasyon (damdamin),
bugso ng damdamin,
ningas ng kalooban,
kapangahasan,
init ng damdamin, o
kabiglaanan ng damdamin (Ingles:
ardency,
ardor,
fervor,
temerity,
fieriness,
hotness,
violence,
impetuosity,
vehemence,
impulsiveness,
incontinence, o
rashness) ay isang katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay. Ang
pasyon, na nagmula sa Sinaunang wikang Griyegong
pandiwa na
πάσχω (
paskho) na may ibig sabihing "
maghirap", ay isa ring marubdob na damdamin, o makabagbag-damdaming
saloobin (kaloobang pangdamdamin), kasigasigan (entusiyasmo), o pithaya (hangarin, lunggati, pita, o pagnanais ng damdamin) para sa isang bagay. Ang kataga ay madalas ding ginagamit para sa paglalarawan ng isang masigla o masigasig na pagkagusto o pagkawili sa o paghanga (admirasyon) para sa isang alok o mungkahi, layunin, o gawain, o
pag-ibig, hanggang sa pagkadama ng hindi pangkaraniwang kasiglahan o katuwaan, masigasig o makabagbag-damdaming kalooban, na isang positibong ugnayan o pagmamahalan, na inilalaan para sa isang paksa, ideya, tao o persona, o bagay. Partikular itong ginagamit sa diwa ng romansa o
seksuwal na pagnanais, bagaman pangkalahatan itong nagpapahiwatig ng isang mas malalim o mas malawak at mas masaklaw na uri ng emosyon kaysa sa ipinahihiwatig ng katagang
kalibugan.