Ang
helikopter (mula sa Ingles na
helicopter) ay isang uri ng
salipapaw o sasakyang lumilipad. Pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng helikopter at ng
eruplano ang kung ano ang nagpapaangat sa kanila mula sa lupa patungo sa himpapawid. Sa eruplano, nakakakuha ito ng puwersang pang-angat mula sa kanyang mga pakpak at pasulong na galaw, na nagmumula sa propeler o turbina ng makina ng dyet. Sa helikopter, nanggagaling ito sa pahalang na mga rotor o ilang mga umiikot na mga talim na tila parang maliliit na mga pakpak. Dahil dito, minsang tinatawag silang salipapaw na may mga pakpak na rotaryo o mga pakpak na umiikot. Hinango ang salitang
helicopter mula sa
Pranses na
hélicoptère, na nilikha ni Gustave de Ponton d'Amecourt noong 1861, na nagbuhat sa Griyegong
helix/helik- = "espiral", "pumapalupot", o "umiikot", at
pteron = "pakpak".