Sa maraming mga
mitolohiya at tradisyong pangrelihiyon, ang
impiyerno ay isang lugar ng paghihirap at kaparusahang nasa
kabilang buhay, kalimitang nasa
mundong ilalim. Kalimitang nilalarawan ng mga pananampalatayang may tuwirang kasaysayan ng
kabanalan ang impiyerno bilang walang kawakasan. Sa mga relihiyong may
reinkarnasyon o kasaysayang painug-inog, pabalik-balik, o paulit-ulit, kalimitang nilalarawan ang impiyerno bilang isang panahong pansamantala na nasa pagitan ng mga muling pagsilang ng kaluluwa sa ibang katauhan.