Ang
kalubkob, na nakikilala rin bilang
helmet,
kupya, o
salakot, ay isang uri ng panakip at pananggalang o pruteksiyon sa
ulo at sa
mukha, upang huwag masugatan, mapinsala, o masaktan ang mga bahaging ito ng katawan. Ang mga kalubkob ay maaaring maging matigas o may malambot na saping sumbrero. Maraming mga uri ng kalubkob, na ang ilan ay gawa mula sa metal, habang ang iba ay yari sa plastik. Sa karaniwan, ang mga kalubkob ay mayroong mga malambot na saping yari sa tela o hibla at mga panaling tela o hibla upang mapanatiling nakasuot ang kalubkob sa ulo ng tao.