- Para sa pelikula sa Pilipinas, pumunta sa Sa Kabilang Buhay.
Ang
kabilang buhay (Ingles:
afterlife,
life after death,
the hereafter) ay ang pinaniniwalaang yugto sa buhay ng isang tao pagkatapos ng isang katangi-tanging pangyayari, partikular na pagkaraan ng
kamatayan o pagkatapus na pagkatapos mamuhay sa mundo. Tinatawag din itong
sa kabilang buhay,
kabilang daigdig,
buhay pagkaraang mamatay, o
buhay pagkaraan ng kamatayan. Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao na nangyayari pagkaraan ng kamatayan ayon sa iba't ibang mga aral ng kani-kanilang mga
relihiyon. May ilang mga pananampalatayang naniniwala sa
reinkarnasyon o ang pagbabalik sa buhay na nasa ibang katawan. Kinabibilangan ito ng
Budismo at
Hinduismo. May ibang mga relihiyong naniniwalang napupunta ang tao sa ibang pook pagkaraang mamatay, katulad ng
langit,
limbo,
purgatoryo, at
impiyerno. Kabilang sa mga ito ang
Kristiyanismo,
Katolisismo,
Hudaismo, at
Hainismo. May iba pang mga relihiyon na naniniwalang nagbabago ang mga tao at nagiging mga
espiritung tinatawag na mga multo,
aswang, o
guni-guni.