Ang
hilig o
libangan (Ingles:
hobby), kilala rin bilang
pampalipas-oras,
pasa-tiyempo,
himagal, o
dibersyon ay isang gawaing nakakalibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para sa
rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa pagiging nakakatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasiya ito ng sarili kahit na ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay ng
edukasyon rin ang hilig. Maaari ring maipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng natatanging kasanayan.