Ang
mangmang (
Ingles:
illiterate, na kabaligtaran ng
literate) ay isang hindi kaaya-ayang katawagan para sa mga mamamayang hindi marunong bumasa o sumulat, sapagkat nagpapahiwatig ito ng pagiging
tanga ng tao. Iniiwasan ang paggamit ng salitang ito, sapagkat bagaman katumbas ng
mangmang ang
illiterate sa
wikang Ingles, nagpapahiwatig ito ng kawalan ng kaalaman at karunungan ng isang
tao. Sa katunayan, ayon kay
Juan Flavier, mayroong mga taong hindi nga marunong bumasa o sumulat pero mayroon namang kaalaman, karunungan, at kakayahang nakuha ng mga ito mula sa kanilang mga karanasan sa buhay. Kaya para sa kanilang mga proyekto noong kasapi pa si Flavier ng Kilusan ng Rekonstruksyon sa Pilipinas noong dekada ng 1970, ginagamit na lamang nila ang pariralang "
hindi marunong sumulat at bumasa" sa halip na banggitin o isulat ang mismong salitang
mangmang.