Ang histolohiya (mula sa Griyego na , lamuymoy, at , -logia) ay ang pag-aaral ng anatomiya ng mga selula at mga lamuymoy ng mga halaman at hayop sa pamamagitan ng mikroskopyo. Ito ay nagagawa sa pagsusuri ng isang maliit na kapiraso ng lamuynoy sa ilalim ng isang optical microscope o sa isang electron microscope. Ang kakayahan na maipakita o malaman ang pagkakaiba sa mga mikroskopikong mga estruktura ay madalas na pinagbubuti sa pamamagitan sa paggamit ng mga histolohikal na mantsa.