Ang
asebo (mula sa
Kastilang acebo;
Ingles:
holly; pangalang pang-agham:
Ilex) ay isang uri
palumpong na may agad na nakikilalang mga dahon. May matatalim na mga gilid ang mga dahon, at kalimitang ginagamit sa pagpapalamuti ng bahay tuwing
Araw ng Pasko. May ilang uri ng asebong ginagamit sa paggawa ng mga
tsaa. Kinabibilangan ang
saring asebo ng may 600 mga
uri ng mga
namumulaklak na mga halamang nasa
pamilyang Aquifoliaceae, at ito lamang ang sari sa pamilyang ito. May isang sari, ang monotipikong
Nemopanthus (Asebong Bundok o
Mountain Holly), na dating nakahiwalay sa mga
Ilex dahil sa batayang may mas bawas na mga calyx ang mga
bulaklak nito at may mas makitid na mga
talulot; at maging sa
sitolohiya, dahil sa pagiging tetraploid nito, samantalang mga diploid ang mga
Ilex. Subalit, pagkaraan ng mga pagsusuri ng mga impormasyong molekular, isinanib na ang mga Asebong Bundok sa mga
Ilex, bilang
Ilex mucronata; mas higit na malapit ang mga ito sa
Ilex amelanchier.