Ang
Homininae ay isang subpamilya ng
Hominidae na kinabibilangan ng mga
tao, mga
gorilya, mga
chimpanzee, mga
bonobo at ilang mga extinct na kamag-anak nito. Ito ay binubuo ng lahat ng mga
hominid na lumitaw pagkatapos ng paghihiwalay mula sa mga
orangutan(
Ponginae). Ang cladogram na Homininae ay may tatlong mga pangunahing sanga na humantong sa mga gorilya, chimpanze, bonobo at mga tao. May ilang mga umiiral na species ng chimpanzee at gorilya ngunit isang species lamang ng tao ang umiiral bagaman ang ilang mga bakas ng species tao ay natagpuan mula sa 12,000 taong nakakalipas (
Homo floresiensis,
Homo denisova). Ang mga organismo sa klaseng ito ay inilalarawang
hominine(hindi dapat ikalito sa
hominin o
hominini).